2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
3Mga kapatid, nararapat lang na pasalamatan namin ang Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Kristo at pagmamahal sa isaʼt isa.
4Kaya naman, ipinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar dahil sa katatagan at pananampalataya ninyo, sa kabila ng lahat ng dinaranas ninyong paghihirap at pag-uusig.
5Ang mga ito ay patunay na makatarungan ang hatol ng Diyos, at dahil ditoʼy ginawa kayong karapat-dapat na mapabilang sa kaharian ng Diyos, na dahilan ng inyong pagdurusa.
6Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo.