2 Mga Taga-Tesalonica 1

Ang mga ito ay patunay na makatarungan ang hatol ng Diyos, at dahil ditoʼy ginawa kayong karapat-dapat na mapabilang sa kaharian ng Diyos, na dahilan ng inyong pagdurusa.

2 Thessalonians 1:5 (UKJV) Which is a manifest token of the righteous judgment of God, that all of you may be counted worthy of the kingdom of God, for which all of you also suffer:

3Mga kapatid, nararapat lang na pasalamatan namin ang Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Kristo at pagmamahal sa isaʼt isa.

4Kaya naman, ipinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar dahil sa katatagan at pananampalataya ninyo, sa kabila ng lahat ng dinaranas ninyong paghihirap at pag-uusig.

5Ang mga ito ay patunay na makatarungan ang hatol ng Diyos, at dahil ditoʼy ginawa kayong karapat-dapat na mapabilang sa kaharian ng Diyos, na dahilan ng inyong pagdurusa.

6Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo.

7At kayong mga naghihirap ay bibigyan niya ng kapahingahan kasama namin. Mangyayari ito pagbalik ng Panginoong Hesus mula sa langit kasama ang kanyang makapangyarihang mga anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.