2 Timoteo 1

Alam mong tinalikuran ako ng halos lahat ng mga kapatid sa probinsya ng Asia, pati na sina Figelo at Hermogenes.

2 Timothy 1:15 (UKJV) This you know, that all they which are in Asia be turned away from me; of whom are Phygellus and Hermogenes.

13Ituro mo ang tamang aral na natutunan mo sa akin, nang may pananampalataya at pag-ibig dahil ito ang karapat-dapat gawin ng mga nakay Kristo Hesus.

14Sa tulong ng Banal na Espiritu na nasa atin, ingatan mo ang tamang aral na ipinagkatiwala ko sa iyo.

15Alam mong tinalikuran ako ng halos lahat ng mga kapatid sa probinsya ng Asia, pati na sina Figelo at Hermogenes.

16Kaawaan sana ng Panginoon si Onesiforo at ang pamilya niya, dahil palagi niya akong tinutulungan, at hindi niya ako ikinahiya kahit na akoʼy isang bilanggo.

17Sa katunayan, nang dumating siya sa Roma, sinikap niya akong hanapin hanggang sa matagpuan niya ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.