2 Timoteo 2

Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Diyos, upang makamtan din nila ang kaligtasang nakay Kristo Hesus at ang buhay na walang hanggan.

2 Timothy 2:10 (UKJV) Therefore I endure all things for the elect's sakes, that they may also obtain the salvation which is in Christ Jesus with eternal glory.

8Alalahanin mo ang Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo, na muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko

9na siyang dahilan ng paghihirap ko hanggang sa ikadena ako na parang isang kriminal. Ngunit hindi nakakadenahan ang salita ng Diyos.

10Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Diyos, upang makamtan din nila ang kaligtasang nakay Kristo Hesus at ang buhay na walang hanggan.

11Totoo ang kasabihang: “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayong kasama niya.

12Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya. Kung itatakwil natin siya, itatakwil din niya tayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.