2 Timoteo 2

Totoo ang kasabihang: “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayong kasama niya.

2 Timothy 2:11 (UKJV) It is a faithful saying: For if we be dead with him, we shall also live with him:

9na siyang dahilan ng paghihirap ko hanggang sa ikadena ako na parang isang kriminal. Ngunit hindi nakakadenahan ang salita ng Diyos.

10Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Diyos, upang makamtan din nila ang kaligtasang nakay Kristo Hesus at ang buhay na walang hanggan.

11Totoo ang kasabihang: “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayong kasama niya.

12Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya. Kung itatakwil natin siya, itatakwil din niya tayo.

13Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.