11Totoo ang kasabihang: “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayong kasama niya.
12Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya. Kung itatakwil natin siya, itatakwil din niya tayo.
13Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”
14Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, at pagbilinan mo sila sa presensya ng Diyos na iwasan ang walang kuwentang pagtatalo. Wala itong mabuting naidudulot kundi kapahamakan sa mga nakikinig.
15Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.