2 Timoteo 2

Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, at pagbilinan mo sila sa presensya ng Diyos na iwasan ang walang kuwentang pagtatalo. Wala itong mabuting naidudulot kundi kapahamakan sa mga nakikinig.

2 Timothy 2:14 (UKJV) Of these things put them in remembrance, charging them before the Lord that they strive not about words to no profit, but to the subverting of the hearers.

12Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya. Kung itatakwil natin siya, itatakwil din niya tayo.

13Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”

14Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, at pagbilinan mo sila sa presensya ng Diyos na iwasan ang walang kuwentang pagtatalo. Wala itong mabuting naidudulot kundi kapahamakan sa mga nakikinig.

15Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

16Iwasan mo ang makamundo at walang kuwentang usap-usapan, dahil lalo lang napapalayo sa Diyos ang mga gumagawa nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.