2 Timoteo 2

Iwasan mo ang makamundo at walang kuwentang usap-usapan, dahil lalo lang napapalayo sa Diyos ang mga gumagawa nito.

2 Timothy 2:16 (UKJV) But shun profane and vain babblings: for they will increase unto more ungodliness.

14Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, at pagbilinan mo sila sa presensya ng Diyos na iwasan ang walang kuwentang pagtatalo. Wala itong mabuting naidudulot kundi kapahamakan sa mga nakikinig.

15Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

16Iwasan mo ang makamundo at walang kuwentang usap-usapan, dahil lalo lang napapalayo sa Diyos ang mga gumagawa nito.

17Ang mga aral nilaʼy parang kanser na kumakalat sa katawan. Kabilang na sina Himeneo at Fileto sa mga taong ito.

18Lumihis sila sa katotohanan dahil itinuturo nilang naganap na ang muling pagkabuhay ng mga patay, at ginugulo tuloy nila ang pananampalataya ng iba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.