22Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.
23Iwasan mo ang mga walang kuwentang pakikipagtalo at kalokohan lamang, dahil alam mong hahantong lang ito sa alitan.
24Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat nakikipag-away, kundi mabait sa lahat, marunong magturo at mapagtimpi.
25Kailangang mahinahon siya sa pagtutuwid sa mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sa ganitong paraan ay bigyan sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi at malaman ang katotohanan.
26Sa ganoon, maliliwanagan ang isip nila at makakawala sila sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila para gawin ang nais nito.