2 Timoteo 2

Iwasan mo ang mga walang kuwentang pakikipagtalo at kalokohan lamang, dahil alam mong hahantong lang ito sa alitan.

2 Timothy 2:23 (UKJV) But foolish and unlearned questions avoid, knowing that they do gender strifes.

21Ang mga taong lumalayo sa kasamaan ay nabibilang sa mga kasangkapang ginagamit sa mahahalagang okasyon. Nakatalaga sila sa Panginoon, kapaki-pakinabang sa kanya, at laging handa sa lahat ng mabubuting gawain.

22Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.

23Iwasan mo ang mga walang kuwentang pakikipagtalo at kalokohan lamang, dahil alam mong hahantong lang ito sa alitan.

24Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat nakikipag-away, kundi mabait sa lahat, marunong magturo at mapagtimpi.

25Kailangang mahinahon siya sa pagtutuwid sa mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sa ganitong paraan ay bigyan sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi at malaman ang katotohanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.