11Mahal kong kaibigan, huwag mong gayahin ang masamang ginagawa ng taong iyan. Sa halip, gawin mo ang mabuti. Ang gumagawa ng mabuti ay mula sa Diyos, at ang gumagawa ng masama ay hindi nakakakilala sa Diyos.
12Si Demetrio ay kapatid nating pinupuri ng lahat, at nakikita sa buhay niya na sumusunod siya sa katotohanan. Kami rin ay nagpapatotoo na mabuti siyang tao, at alam mong mapagkakatiwalaan ang sinasabi namin.
13Marami pa sana akong sasabihin sa iyo, ngunit ayaw kong sabihin sa sulat na ito.
14Umaasa akong magkikita tayo sa lalong madaling panahon at makakausap kita.
15Sumaiyo nawa ang kapayapaan. Kinukumusta ka ng mga kaibigan natin dito. Ikumusta mo rin ako sa bawat isa sa mga kaibigan natin diyan.