9Pagkasabi niya nito, dinala siya paitaas. At habang nakatingin sila sa kanya, tinakpan siya ng ulap at agad na nawala sa kanilang paningin.
10Habang nakatitig sila sa langit, may dalawang lalaking nakaputi na biglang tumayo sa tabi nila
11at nagsabi, “Kayong mga taga-Galilea, bakit nakatayo pa kayo rito at nakatingala sa langit? Si Hesus na nakita ninyong dinala paitaas ay babalik dito sa mundo. At kung paano siya dinala sa langit ay ganoon din siya babalik.”
12Pagkatapos noon, bumalik ang mga apostol sa lungsod ng Jerusalem galing sa Bundok ng mga Olibo na may isang kilometro ang layo sa lungsod.
13Pagdating nila sa Jerusalem, dumiretso sila sa kuwarto sa itaas ng bahay na tinutuluyan nila. Sila ay sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na makabayan, at si Judas na anak ni Santiago.