Mga Gawa 1

“Mga kapatid, kailangang matupad ang sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Judas na nanguna sa mga dumakip kay Hesus. Ipinahayag ito ng Banal na Espiritu noong unang panahon sa pamamagitan ni David.

Acts 1:16 (UKJV) Men and brethren, this scripture must essentially have been fulfilled, which the Holy Spirit by the mouth of David spoke before concerning Judas, which was guide to them that took Jesus.

14Palagi silang nagtitipon para manalangin, kasama ang ilang mga babae, pati si Maria na ina ni Hesus, at ang mga lalaking kapatid ni Hesus.

15Nang mga araw na iyon, nagtipon ang mga 120 mananampalataya. Tumayo si Pedro at nagsalita:

16“Mga kapatid, kailangang matupad ang sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Judas na nanguna sa mga dumakip kay Hesus. Ipinahayag ito ng Banal na Espiritu noong unang panahon sa pamamagitan ni David.

17Datiʼy kabilang siya sa amin, at nakibahagi siya sa aming gawain.”

18(Ngunit bumili si Judas ng lupa mula sa perang ibinayad sa kanya sa pagtatraydor kay Hesus. Doon ay nahulog siyang patiwarik, pumutok ang kanyang tiyan at lumabas ang kanyang bituka.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.