Mga Gawa 1

(Ngunit bumili si Judas ng lupa mula sa perang ibinayad sa kanya sa pagtatraydor kay Hesus. Doon ay nahulog siyang patiwarik, pumutok ang kanyang tiyan at lumabas ang kanyang bituka.

Acts 1:18 (UKJV) Now this man purchased a field with the reward of iniquity; and falling headlong, he burst asunder in the midst, and all his bowels gushed out.

16“Mga kapatid, kailangang matupad ang sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Judas na nanguna sa mga dumakip kay Hesus. Ipinahayag ito ng Banal na Espiritu noong unang panahon sa pamamagitan ni David.

17Datiʼy kabilang siya sa amin, at nakibahagi siya sa aming gawain.”

18(Ngunit bumili si Judas ng lupa mula sa perang ibinayad sa kanya sa pagtatraydor kay Hesus. Doon ay nahulog siyang patiwarik, pumutok ang kanyang tiyan at lumabas ang kanyang bituka.

19Nalaman ito ng lahat ng tao sa Jerusalem, kaya tinawag nila ang lugar na iyon na Akeldama, na ang ibig sabihin ay “Bukid ng Dugo”.)

20Sinabi pa ni Pedro, “Nasusulat sa Aklat ng mga Salmo: ‘Pabayaan na lang ang kanyang tirahan, at dapat walang tumira doon.’ At nasusulat din, ‘Ibibigay na lang sa iba ang kanyang tungkulin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.