Mga Gawa 1

Kaya dalawang lalaki ang kanilang pinagpilian: si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas (na tinatawag ding Justo).

Acts 1:23 (UKJV) And they appointed two, Joseph called Barsabas, who was surnamed Justus, and Matthias.

21Kaya nararapat na pumili ng isa sa mga nakasama namin sa buong panahong nabubuhay ang Panginoong Hesus sa piling namin,

22simula noong nagbabautismo si Juan hanggang sa panahong dinala si Hesus sa langit. Ang sinumang pipiliin ay magiging saksi kasama namin sa muling pagkabuhay ni Hesus.”

23Kaya dalawang lalaki ang kanilang pinagpilian: si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas (na tinatawag ding Justo).

24At bago sila pumili, nanalangin sila, “Panginoon, ikaw ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao. Kaya ipaalam nʼyo sa amin kung sino sa dalawang ito ang pipiliin nʼyo

25na maging apostol bilang kapalit ni Judas. Sapagkat tinalikuran ni Judas ang kanyang gawain bilang isang apostol, at pumunta siya sa lugar na nararapat sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.