Mga Gawa 1

Kaya nararapat na pumili ng isa sa mga nakasama namin sa buong panahong nabubuhay ang Panginoong Hesus sa piling namin,

Acts 1:21 (UKJV) Wherefore of these men which have companied with us all the time that the Lord Jesus went in and out among us,

19Nalaman ito ng lahat ng tao sa Jerusalem, kaya tinawag nila ang lugar na iyon na Akeldama, na ang ibig sabihin ay “Bukid ng Dugo”.)

20Sinabi pa ni Pedro, “Nasusulat sa Aklat ng mga Salmo: ‘Pabayaan na lang ang kanyang tirahan, at dapat walang tumira doon.’ At nasusulat din, ‘Ibibigay na lang sa iba ang kanyang tungkulin.’

21Kaya nararapat na pumili ng isa sa mga nakasama namin sa buong panahong nabubuhay ang Panginoong Hesus sa piling namin,

22simula noong nagbabautismo si Juan hanggang sa panahong dinala si Hesus sa langit. Ang sinumang pipiliin ay magiging saksi kasama namin sa muling pagkabuhay ni Hesus.”

23Kaya dalawang lalaki ang kanilang pinagpilian: si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas (na tinatawag ding Justo).

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.