Mga Gawa 1

Minsan habang nagtitipon sila, tinanong nila si Hesus, “Panginoon, ito na po ba ang panahon na itatatag ninyong muli ang kaharian ng Israel?”

Acts 1:6 (UKJV) When they therefore were come together, they asked of him, saying, Lord, will you at this time restore again the kingdom to Israel?

4Minsan, habang kumakain sila, sinabi niya, “Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo ang ipinangako ng Ama. Sinabi ko na ito sa inyo noon.

5Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit ilang araw lamang mula ngayon ay babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.”

6Minsan habang nagtitipon sila, tinanong nila si Hesus, “Panginoon, ito na po ba ang panahon na itatatag ninyong muli ang kaharian ng Israel?”

7Sumagot si Hesus, “Hindi pinahihintulutan ng Ama na malaman ninyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na itinakda niya ayon sa kanyang awtoridad.

8Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu ay tatanggap kayo ng kapangyarihan; at kayoʼy magiging saksi ko na magpapahayag ng mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kasuluksulukang bahagi ng daigdig.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.