Mga Gawa 1

Minsan, habang kumakain sila, sinabi niya, “Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo ang ipinangako ng Ama. Sinabi ko na ito sa inyo noon.

Acts 1:4 (UKJV) And, being assembled together with them, commanded them that they should not depart from Jerusalem, but wait for the promise of the Father, which, says he, all of you have heard of me.

2hanggang sa araw na dinala siya sa langit. Subalit bago siya bumalik sa langit, nag-iwan siya ng mga utos sa kanyang mga piniling apostol, sa pangunguna ng Banal na Espiritu.

3Matapos siyang maghirap at mamatay, nagpakita siya sa kanila nang maraming beses sa loob ng apatnapung araw upang patunayan na muli siyang nabuhay. At nagsalita siya tungkol sa kaharian ng Diyos.

4Minsan, habang kumakain sila, sinabi niya, “Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo ang ipinangako ng Ama. Sinabi ko na ito sa inyo noon.

5Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit ilang araw lamang mula ngayon ay babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.”

6Minsan habang nagtitipon sila, tinanong nila si Hesus, “Panginoon, ito na po ba ang panahon na itatatag ninyong muli ang kaharian ng Israel?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.