Mga Gawa 1

hanggang sa araw na dinala siya sa langit. Subalit bago siya bumalik sa langit, nag-iwan siya ng mga utos sa kanyang mga piniling apostol, sa pangunguna ng Banal na Espiritu.

Acts 1:2 (UKJV) Until the day in which he was taken up, after that he through the Holy Spirit had given commandments unto the apostles whom he had chosen:

1Minamahal kong Teofilo: Sa aking unang aklat, isinulat ko ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus mula nang magsimula siya sa kanyang gawain

2hanggang sa araw na dinala siya sa langit. Subalit bago siya bumalik sa langit, nag-iwan siya ng mga utos sa kanyang mga piniling apostol, sa pangunguna ng Banal na Espiritu.

3Matapos siyang maghirap at mamatay, nagpakita siya sa kanila nang maraming beses sa loob ng apatnapung araw upang patunayan na muli siyang nabuhay. At nagsalita siya tungkol sa kaharian ng Diyos.

4Minsan, habang kumakain sila, sinabi niya, “Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo ang ipinangako ng Ama. Sinabi ko na ito sa inyo noon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.