Mga Gawa 10

Kaya ipinatawag kita agad. Salamat naman at dumating ka. At ngayon, narito kami sa presensya ng Diyos upang pakinggan ang ipinasasabi sa inyo ng Panginoon.”

Acts 10:33 (UKJV) Immediately therefore I sent to you; and you have well done that you are come. Now therefore are we all here present before God, to hear all things that are commanded you of God.

31Sinabi niya sa akin, ‘Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at hindi niya nakalimutan ang pagtulong mo sa mga mahihirap.

32Magsugo ka ngayon ng mga tao sa Jopa at ipasundo si Simon na tinatawag na Pedro. Doon siya nakatira sa bahay ni Simon na tagapagbilad ng balat ng hayop. Nasa tabi ng dagat ang bahay niya.’

33Kaya ipinatawag kita agad. Salamat naman at dumating ka. At ngayon, narito kami sa presensya ng Diyos upang pakinggan ang ipinasasabi sa inyo ng Panginoon.”

34Kaya nagsalita si Pedro, “Napatunayan ko ngayon na walang pinapaboran ang Diyos.

35Tinatanggap niya ang sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng tama kahit ano pang bansa niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.