Mga Gawa 11

Kaya pagbalik ni Pedro sa Jerusalem, tinuligsa siya ng mga mananampalatayang Hudyong naniniwala na kinakailangang magpatuli ng mga Hentil.

Acts 11:2 (UKJV) And when Peter was come up to Jerusalem, they that were of the circumcision contended with him,

1Nabalitaan ng mga apostol at ng mga kapatid sa Judea na tinanggap din ng mga Hentil ang salita ng Diyos.

2Kaya pagbalik ni Pedro sa Jerusalem, tinuligsa siya ng mga mananampalatayang Hudyong naniniwala na kinakailangang magpatuli ng mga Hentil.

3Sinabi nila kay Pedro, “Bakit ka tumuloy sa bahay ng mga hindi tuli at nakikain pa sa kanila?”

4Kaya ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang buong pangyayari mula sa umpisa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.