1Nabalitaan ng mga apostol at ng mga kapatid sa Judea na tinanggap din ng mga Hentil ang salita ng Diyos.
2Kaya pagbalik ni Pedro sa Jerusalem, tinuligsa siya ng mga mananampalatayang Hudyong naniniwala na kinakailangang magpatuli ng mga Hentil.
3Sinabi nila kay Pedro, “Bakit ka tumuloy sa bahay ng mga hindi tuli at nakikain pa sa kanila?”
4Kaya ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang buong pangyayari mula sa umpisa.
5Sinabi niya, “Habang nananalangin ako sa lungsod ng Jopa, nawalan ako ng malay at may ipinakitang pangitain ang Diyos sa akin. Nakakita ako ng tila malapad na kumot na bumababa mula sa langit. May tali ito sa apat na sulok, at ibinababa sa kinaroroonan ko.