20Ngunit ang ibang mananampalataya na taga-Cyprus at taga-Cirene ay pumunta sa Antioquia at nagsimulang mangaral ng Magandang Balita tungkol sa Panginoong Hesus maging sa mga Hentil.
21Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kanila at marami ang sumampalataya at nagbalik-loob sa Panginoon.
22Ang pangyayaring ito ay nabalitaan ng iglesya sa Jerusalem, kaya pinapunta nila si Bernabe sa Antioquia.
23Pagdating niya doon, natuwa siya dahil nakita niya ang mga kabutihang ginawa ng Diyos sa mga tao roon. At pinayuhan niya sila na maging matapat at matatag sa kanilang pananampalataya sa Panginoon.
24Mabuting tao si Bernabe, puspos ng Banal na Espiritu, at matatag ang pananampalataya kaya marami ang nahikayat na sumampalataya sa Panginoon.