Mga Gawa 11

Ngunit ang ibang mananampalataya na taga-Cyprus at taga-Cirene ay pumunta sa Antioquia at nagsimulang mangaral ng Magandang Balita tungkol sa Panginoong Hesus maging sa mga Hentil.

Acts 11:20 (UKJV) And some of them were men of Cyprus and Cyrene, which, when they were come to Antioch, spoke unto the Grecians, preaching the LORD Jesus.

18Nang marinig ito ng mga kapatid na Hudyo, hindi na nila binatikos si Pedro, sa halip ay nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, “Kung ganoʼn, ibinigay din ng Diyos sa mga Hentil ang pagkakataong magsisi upang silaʼy mabuhay.”

19Dahil sa pag-uusig na naranasan ng mga mananampalataya pagkatapos mamatay ni Esteban, nagkawatak-watak sila at napunta sa ibaʼt ibang lugar hanggang sa Fenicia, Cyprus, at Antioquia. Ipinapangaral nila ang Magandang Balita pero sa mga Hudyo lamang.

20Ngunit ang ibang mananampalataya na taga-Cyprus at taga-Cirene ay pumunta sa Antioquia at nagsimulang mangaral ng Magandang Balita tungkol sa Panginoong Hesus maging sa mga Hentil.

21Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kanila at marami ang sumampalataya at nagbalik-loob sa Panginoon.

22Ang pangyayaring ito ay nabalitaan ng iglesya sa Jerusalem, kaya pinapunta nila si Bernabe sa Antioquia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.