Mga Gawa 11

Dahil sa pag-uusig na naranasan ng mga mananampalataya pagkatapos mamatay ni Esteban, nagkawatak-watak sila at napunta sa ibaʼt ibang lugar hanggang sa Fenicia, Cyprus, at Antioquia. Ipinapangaral nila ang Magandang Balita pero sa mga Hudyo lamang.

Acts 11:19 (UKJV) Now they which were scattered abroad upon the persecution that arose about Stephen travelled as far as Phenice, and Cyprus, and Antioch, preaching the word to none but unto the Jews only.

17Kaya ang nangyari sa kanila ay nagpapatunay na ang ibinigay ng Diyos sa ating mga Hudyo, nang sumampalataya tayo sa Panginoong Hesu-Kristo ay ibinigay din niya sa mga Hentil. At kung ganoon ang gusto ng Diyos, sino ba ako para hadlangan siya?”

18Nang marinig ito ng mga kapatid na Hudyo, hindi na nila binatikos si Pedro, sa halip ay nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, “Kung ganoʼn, ibinigay din ng Diyos sa mga Hentil ang pagkakataong magsisi upang silaʼy mabuhay.”

19Dahil sa pag-uusig na naranasan ng mga mananampalataya pagkatapos mamatay ni Esteban, nagkawatak-watak sila at napunta sa ibaʼt ibang lugar hanggang sa Fenicia, Cyprus, at Antioquia. Ipinapangaral nila ang Magandang Balita pero sa mga Hudyo lamang.

20Ngunit ang ibang mananampalataya na taga-Cyprus at taga-Cirene ay pumunta sa Antioquia at nagsimulang mangaral ng Magandang Balita tungkol sa Panginoong Hesus maging sa mga Hentil.

21Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kanila at marami ang sumampalataya at nagbalik-loob sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.