1Nang panahong iyon, sinimulang dakpin ni Haring Herodes ang ilang miyembro ng iglesya para usigin sila.
2Ipinapatay niya si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng espada.
3Nang makita niyang natuwa ang mga Hudyo, ipinahuli niya rin si Pedro. Nangyari ito sa panahon ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.