21Nang dumating ang takdang araw, si Herodes, suot ang kanyang maharlikang damit, ay umupo sa kanyang trono at nagbigay ng talumpati sa mga tao.
22Sumigaw ang mga tao, “Isang diyos ang nagsasalita at hindi tao!”
23Nang oras ding iyon, pinarusahan siya ng anghel ng Panginoon, dahil hindi niya ibinigay sa Diyos ang papuri. Inuod siya at namatay.
24Kaya patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at lalo pang dumami ang mga mananampalataya.
25Samantala, bumalik sina Bernabe at Saulo sa Antioquia mula sa Jerusalem matapos nilang maihatid ang tulong sa mga kapatid. Isinama rin nila si Juan Marcos.