Mga Gawa 12

Kaya patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at lalo pang dumami ang mga mananampalataya.

Acts 12:24 (UKJV) But the word of God grew and multiplied.

22Sumigaw ang mga tao, “Isang diyos ang nagsasalita at hindi tao!”

23Nang oras ding iyon, pinarusahan siya ng anghel ng Panginoon, dahil hindi niya ibinigay sa Diyos ang papuri. Inuod siya at namatay.

24Kaya patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at lalo pang dumami ang mga mananampalataya.

25Samantala, bumalik sina Bernabe at Saulo sa Antioquia mula sa Jerusalem matapos nilang maihatid ang tulong sa mga kapatid. Isinama rin nila si Juan Marcos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.