Mga Gawa 13

Pagkatapos ng pagtitipon, maraming Hudyo at mga taong lumipat sa relihiyon ng mga Hudyo ang sumunod kina Pablo at Bernabe. Pinangaralan sila nina Pablo at Bernabe at pinayuhan na ipagpatuloy ang kanilang pagtitiwala sa biyaya ng Diyos.

Acts 13:43 (UKJV) Now when the congregation was broken up, many of the Jews and religious proselytes followed Paul and Barnabas: who, speaking to them, persuaded them to continue in the grace of God.

41‘Kayong mga nangungutya, masindak kayo at mamatay, sapagkat may gagawin ako sa inyong kapanahunan, na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magsabi pa sa inyo.’ ”

42Nang palabas na sina Pablo at Bernabe sa sinagoga, inimbitahan sila ng mga tao na muling magsalita tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga.

43Pagkatapos ng pagtitipon, maraming Hudyo at mga taong lumipat sa relihiyon ng mga Hudyo ang sumunod kina Pablo at Bernabe. Pinangaralan sila nina Pablo at Bernabe at pinayuhan na ipagpatuloy ang kanilang pagtitiwala sa biyaya ng Diyos.

44Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng naninirahan sa Antioquia ay nagtipon sa sinagoga upang makinig sa salita ng Panginoon.

45Nang makita ng mga pinuno ng mga Hudyo na maraming tao ang dumalo, nainggit sila. Sinalungat nila si Pablo at nilait.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.