39Ang sinumang sumasampalataya kay Hesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises.
40Kaya mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:
41‘Kayong mga nangungutya, masindak kayo at mamatay, sapagkat may gagawin ako sa inyong kapanahunan, na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magsabi pa sa inyo.’ ”
42Nang palabas na sina Pablo at Bernabe sa sinagoga, inimbitahan sila ng mga tao na muling magsalita tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga.
43Pagkatapos ng pagtitipon, maraming Hudyo at mga taong lumipat sa relihiyon ng mga Hudyo ang sumunod kina Pablo at Bernabe. Pinangaralan sila nina Pablo at Bernabe at pinayuhan na ipagpatuloy ang kanilang pagtitiwala sa biyaya ng Diyos.