Mga Gawa 13

Ang sinumang sumasampalataya kay Hesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises.

Acts 13:39 (UKJV) And by him all that believe are justified from all things, from which all of you could not be justified by the law of Moses.

37Ngunit si Hesus na muling binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.”

38“Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Hesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan.

39Ang sinumang sumasampalataya kay Hesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises.

40Kaya mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:

41‘Kayong mga nangungutya, masindak kayo at mamatay, sapagkat may gagawin ako sa inyong kapanahunan, na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magsabi pa sa inyo.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.