Mga Gawa 13

“Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Hesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan.

Acts 13:38 (UKJV) Be it known unto you therefore, men and brethren, that through this man is preached unto you the forgiveness of sins:

36“Nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Diyos na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok.

37Ngunit si Hesus na muling binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.”

38“Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Hesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan.

39Ang sinumang sumasampalataya kay Hesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises.

40Kaya mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.