Mga Gawa 13

“Nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Diyos na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok.

Acts 13:36 (UKJV) For David, after he had served his own generation by the will of God, fell asleep, and was laid unto his fathers, and saw corruption:

34“Muli siyang binuhay ng Diyos upang hindi na mabulok ang kanyang katawan. Ayon sa sinabi ng Diyos, ‘Ibibigay ko saʼyo ang mga banal at tiyak na pagpapalang ipinangako kay David.’ ”

35At sinabi rin ito sa isa pang Salmo: “ ‘Hindi ka papayag na mabulok ang katawan ng iyong banal na lingkod.’ ”

36“Nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Diyos na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok.

37Ngunit si Hesus na muling binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.”

38“Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Hesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.