35At sinabi rin ito sa isa pang Salmo: “ ‘Hindi ka papayag na mabulok ang katawan ng iyong banal na lingkod.’ ”
36“Nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Diyos na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok.
37Ngunit si Hesus na muling binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.”
38“Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Hesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan.
39Ang sinumang sumasampalataya kay Hesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises.