Mga Gawa 13

Nang marinig ito ng mga Hentil, nagalak sila at pinarangalan ang salita ng Panginoon; at ang lahat ng itinalaga para sa buhay na walang hanggan ay sumampalataya.

Acts 13:48 (UKJV) And when the Gentiles heard this, they were glad, and glorified the word of the Lord: and as many as were ordained to eternal life believed.

46Ngunit buong tapang silang sinagot nina Pablo at Bernabe, “Dapat sanaʼy sa inyo muna namin ipapangaral ang salita ng Diyos. Subalit dahil tinanggihan ninyo ito, kayo rin ang humatol sa sarili ninyo na hindi kayo karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Kaya mula ngayon, sa mga Hentil na kami mangangaral ng Magandang Balita.

47Sapagkat ito ang utos ng Panginoon sa amin: ‘Ginawa kitang ilaw sa mga Hentil, upang dalhin mo ang kaligtasan sa kasuluk-sulukang bahagi ng daigdig.’”

48Nang marinig ito ng mga Hentil, nagalak sila at pinarangalan ang salita ng Panginoon; at ang lahat ng itinalaga para sa buhay na walang hanggan ay sumampalataya.

49Kaya kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon.

50Ngunit sinulsulan ng mga pinuno ng mga Hudyo ang mga namumuno sa lungsod, pati na rin ang mga relihiyoso at mga kilalang babae, na kalabanin sina Pablo. Kaya inusig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lugar na iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.