47Sapagkat ito ang utos ng Panginoon sa amin: ‘Ginawa kitang ilaw sa mga Hentil, upang dalhin mo ang kaligtasan sa kasuluk-sulukang bahagi ng daigdig.’”
48Nang marinig ito ng mga Hentil, nagalak sila at pinarangalan ang salita ng Panginoon; at ang lahat ng itinalaga para sa buhay na walang hanggan ay sumampalataya.
49Kaya kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon.
50Ngunit sinulsulan ng mga pinuno ng mga Hudyo ang mga namumuno sa lungsod, pati na rin ang mga relihiyoso at mga kilalang babae, na kalabanin sina Pablo. Kaya inusig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lugar na iyon.
51Ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok sa kanilang mga paa bilang babala laban sa kanila at saka pumunta sa Iconio.