Mga Gawa 14

Ganito din ang nangyari sa Iconio. Pumunta sina Pablo at Bernabe sa sinagoga at nangaral nang may kapangyarihan kung kayaʼt maraming Hudyo at Griyego ang sumampalataya kay Hesus.

Acts 14:1 (UKJV) And it came to pass in Iconium, that they went both together into the synagogue of the Jews, and so spoke, that a great multitude both of the Jews and also of the Greeks believed.

1Ganito din ang nangyari sa Iconio. Pumunta sina Pablo at Bernabe sa sinagoga at nangaral nang may kapangyarihan kung kayaʼt maraming Hudyo at Griyego ang sumampalataya kay Hesus.

2Ngunit mayroon ding mga Hudyo na hindi sumampalataya. Nilason nila ang isip ng mga Hentil, at sinulsulang kalabanin ang mga mananampalataya.

3Kaya, matagal-tagal na panahon din ang ginugol nina Pablo at Bernabe doon sa Iconio at matapang silang nangaral ng salita ng Panginoon. Pinatunayan ng Panginoon na totoo ang kanilang mensahe patungkol sa kanyang kagandahang-loob. Makikita ito sa ibinigay niyang kapangyarihan sa kanila na gumawa ng mga tanda at kababalaghan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.