Mga Gawa 14

Ngunit mayroon ding mga Hudyo na hindi sumampalataya. Nilason nila ang isip ng mga Hentil, at sinulsulang kalabanin ang mga mananampalataya.

Acts 14:2 (UKJV) But the unbelieving Jews stirred up the Gentiles, and made their minds evil affected against the brethren.

1Ganito din ang nangyari sa Iconio. Pumunta sina Pablo at Bernabe sa sinagoga at nangaral nang may kapangyarihan kung kayaʼt maraming Hudyo at Griyego ang sumampalataya kay Hesus.

2Ngunit mayroon ding mga Hudyo na hindi sumampalataya. Nilason nila ang isip ng mga Hentil, at sinulsulang kalabanin ang mga mananampalataya.

3Kaya, matagal-tagal na panahon din ang ginugol nina Pablo at Bernabe doon sa Iconio at matapang silang nangaral ng salita ng Panginoon. Pinatunayan ng Panginoon na totoo ang kanilang mensahe patungkol sa kanyang kagandahang-loob. Makikita ito sa ibinigay niyang kapangyarihan sa kanila na gumawa ng mga tanda at kababalaghan.

4Kaya nahati ang mga tao sa lungsod na iyon; ang ibaʼy kumampi sa mga Hudyong hindi mananampalataya, at ang iba namaʼy sa mga apostol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.