Mga Gawa 14

Pinatatag nila ang loob ng mga alagad ni Hesus at pinayuhang magpatuloy sa kanilang pananampalataya. Sinabi pa nila, “Maraming paghihirap ang daranasin natin bago tayo makapasok sa kaharian ng Diyos.”

Acts 14:22 (UKJV) Confirming the souls of the disciples, and exhorting them to continue in the faith, and that we must through much tribulation enter into the kingdom of God.

20Ngunit nang paligiran siya ng mga alagad ni Hesus, bumangon siya at bumalik sa lungsod. Kinabukasan, pumunta silang dalawa ni Bernabe sa Derbe.

21Ipinangaral nina Pablo at Bernabe ang Magandang Balita sa Derbe at marami silang nahikayat na maging alagad ni Hesu-Kristo. Pagkatapos, bumalik na naman sila sa Listra, Iconio, at sa Antioquia na sakop ng Pisidia.

22Pinatatag nila ang loob ng mga alagad ni Hesus at pinayuhang magpatuloy sa kanilang pananampalataya. Sinabi pa nila, “Maraming paghihirap ang daranasin natin bago tayo makapasok sa kaharian ng Diyos.”

23Pumili sina Pablo at Bernabe ng mga mamumuno sa bawat iglesya. Nag-ayuno sila at nanalangin para sa mga napili, at ipinagkatiwala nila ang mga ito sa Panginoon na kanilang pinananaligan.

24Pagkatapos, dumaan sila sa Pisidia at dumating sa Pamfilia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.