Mga Gawa 15

Naniniwala tayong maliligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, at ganito rin naman ang mga Hentil.”

Acts 15:11 (UKJV) But we believe that through the grace of the LORD Jesus Christ we shall be saved, even as they.

9Walang pagtatanging ginagawa ang Diyos sa pagitan nating mga Hudyo at sa kanilang mga Hentil, dahil nilinis din niya ang kanilang puso nang sumampalataya sila.

10Kaya ngayon, bakit nʼyo sinusubukan ang Diyos? Bakit nʼyo ipinapataw sa mga mananampalatayang Hentil ang pasaning kahit ang ating mga ninuno at tayo mismo ay hindi kayang buhatin?

11Naniniwala tayong maliligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, at ganito rin naman ang mga Hentil.”

12Nang marinig nila iyon, tumahimik silang lahat. At pinakinggan nila ang salaysay nina Bernabe at Pablo tungkol sa mga tanda at kababalaghang ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila.

13Pagkatapos nilang magsalita, sinabi ni Santiago, “Mga kapatid, makinig kayo sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.