Mga Gawa 15

Ikinuwento sa atin ni Simon Pedro ang unang pagtawag ng Diyos sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang rin sa kanyang mga hinirang.

Acts 15:14 (UKJV) Simeon has declared how God at the first did visit the Gentiles, to take out of them a people for his name.

12Nang marinig nila iyon, tumahimik silang lahat. At pinakinggan nila ang salaysay nina Bernabe at Pablo tungkol sa mga tanda at kababalaghang ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila.

13Pagkatapos nilang magsalita, sinabi ni Santiago, “Mga kapatid, makinig kayo sa akin.

14Ikinuwento sa atin ni Simon Pedro ang unang pagtawag ng Diyos sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang rin sa kanyang mga hinirang.

15Itoʼy ayon din sa mga isinulat ng mga propeta noon, dahil sinasabi sa Kasulatan:

16‘Pagkatapos nito, babalik ako, at itatayo kong muli ang bumagsak na kaharian ni David. Mula sa pagkaguho, ibabangon ko itong muli at itatayo

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.