Mga Gawa 15

Alam ng Diyos ang nilalaman ng puso ng bawat tao. At ipinakita niya na tinatanggap din niya ang mga Hentil, dahil ibinigay din sa kanila ang Banal na Espiritu katulad ng ginawa niya sa atin noon.

Acts 15:8 (UKJV) And God, which knows the hearts, bare them witness, giving them the Holy Spirit, even as he did unto us;

6Kaya nagpulong ang mga apostol at ang mga pinuno ng iglesya upang pag-usapan ang bagay na ito.

7Pagkatapos ng mahabang talakayan, tumayo si Pedro at nagsalita, “Mga kapatid, alam ninyong noong mga nakaraang araw ay pinili ako ng Diyos upang ituro ang Magandang Balita sa mga Hentil, nang sa gayoʼy makarinig din sila at sumampalataya.

8Alam ng Diyos ang nilalaman ng puso ng bawat tao. At ipinakita niya na tinatanggap din niya ang mga Hentil, dahil ibinigay din sa kanila ang Banal na Espiritu katulad ng ginawa niya sa atin noon.

9Walang pagtatanging ginagawa ang Diyos sa pagitan nating mga Hudyo at sa kanilang mga Hentil, dahil nilinis din niya ang kanilang puso nang sumampalataya sila.

10Kaya ngayon, bakit nʼyo sinusubukan ang Diyos? Bakit nʼyo ipinapataw sa mga mananampalatayang Hentil ang pasaning kahit ang ating mga ninuno at tayo mismo ay hindi kayang buhatin?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.