Mga Gawa 15

Pagkatapos ng mahabang talakayan, tumayo si Pedro at nagsalita, “Mga kapatid, alam ninyong noong mga nakaraang araw ay pinili ako ng Diyos upang ituro ang Magandang Balita sa mga Hentil, nang sa gayoʼy makarinig din sila at sumampalataya.

Acts 15:7 (UKJV) And when there had been much disputing, Peter rose up, and said unto them, Men and brethren, all of you know how that a good while ago God made choice among us, that the Gentiles by my mouth should hear the word of the gospel, and believe.

5Ngunit tumayo ang ilang mananampalatayang miyembro ng grupo ng mga Pariseo at sinabi, “Kailangang tuliin ang mga Hentil at utusang sumunod sa kautusan ni Moises.”

6Kaya nagpulong ang mga apostol at ang mga pinuno ng iglesya upang pag-usapan ang bagay na ito.

7Pagkatapos ng mahabang talakayan, tumayo si Pedro at nagsalita, “Mga kapatid, alam ninyong noong mga nakaraang araw ay pinili ako ng Diyos upang ituro ang Magandang Balita sa mga Hentil, nang sa gayoʼy makarinig din sila at sumampalataya.

8Alam ng Diyos ang nilalaman ng puso ng bawat tao. At ipinakita niya na tinatanggap din niya ang mga Hentil, dahil ibinigay din sa kanila ang Banal na Espiritu katulad ng ginawa niya sa atin noon.

9Walang pagtatanging ginagawa ang Diyos sa pagitan nating mga Hudyo at sa kanilang mga Hentil, dahil nilinis din niya ang kanilang puso nang sumampalataya sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.