Mga Gawa 15

Ngunit tumayo ang ilang mananampalatayang miyembro ng grupo ng mga Pariseo at sinabi, “Kailangang tuliin ang mga Hentil at utusang sumunod sa kautusan ni Moises.”

Acts 15:5 (UKJV) But there rose up certain of the sect of the Pharisees which believed, saying, That it was necessary to circumcise them, and to command them to keep the law of Moses.

3Kaya ipinadala ng iglesya sina Pablo, at sa pagdaan nila sa Fenicia at sa Samaria ay ibinalita nila sa mga kapatiran doon na may mga Hentil ding sumampalataya kay Kristo. Masayang-masaya silang lahat nang marinig ito.

4Pagdating nina Pablo sa Jerusalem tinanggap sila ng iglesya, ng mga apostol, at ng mga pinuno ng iglesya. Ibinalita sa kanila nina Pablo ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila.

5Ngunit tumayo ang ilang mananampalatayang miyembro ng grupo ng mga Pariseo at sinabi, “Kailangang tuliin ang mga Hentil at utusang sumunod sa kautusan ni Moises.”

6Kaya nagpulong ang mga apostol at ang mga pinuno ng iglesya upang pag-usapan ang bagay na ito.

7Pagkatapos ng mahabang talakayan, tumayo si Pedro at nagsalita, “Mga kapatid, alam ninyong noong mga nakaraang araw ay pinili ako ng Diyos upang ituro ang Magandang Balita sa mga Hentil, nang sa gayoʼy makarinig din sila at sumampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.