Mga Gawa 16

Araw-araw, iyon ang ginagawa niya hanggang sa tuluyang nainis si Pablo. Kaya hinarap niya ang babae at sinabi sa masamang espiritung sumasanib dito, “Sa pangalan ni Hesu-Kristo, inuutusan kitang lumabas sa kanya!” At agad naman itong iniwan ng masamang espiritu.

Acts 16:18 (UKJV) And this did she many days. But Paul, being grieved, turned and said to the spirit, I command you in the name of Jesus Christ to come out of her. And he came out the same hour.

16Isang araw, habang papunta kami sa lugar na pinagtitipunan para manalangin, sinalubong kami ng isang dalagitang alipin. Ang dalagitang iyon ay sinasaniban ng masamang espiritu na nagbibigay sa kanya ng kakayahang manghula. Malaki ang kinikita ng kanyang mga amo dahil sa kanyang panghuhula.

17Palaging sinusundan ng babae si Pablo at kami habang sumisigaw ito ng, “Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos! Ipinangangaral nila sa inyo kung paano kayo maliligtas!”

18Araw-araw, iyon ang ginagawa niya hanggang sa tuluyang nainis si Pablo. Kaya hinarap niya ang babae at sinabi sa masamang espiritung sumasanib dito, “Sa pangalan ni Hesu-Kristo, inuutusan kitang lumabas sa kanya!” At agad naman itong iniwan ng masamang espiritu.

19Nang makita ng mga amo nito na nawalan sila ng pagkakakitaan, hinuli nila sina Pablo at Silas at kinaladkad sa plasa upang iharap sa mga opisyal ng lungsod.

20Sinabi nila sa mga opisyal, “Ang mga taong ito ay mga Hudyo at nanggugulo sa ating lungsod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.