Mga Gawa 16

Nang makita ng mga amo nito na nawalan sila ng pagkakakitaan, hinuli nila sina Pablo at Silas at kinaladkad sa plasa upang iharap sa mga opisyal ng lungsod.

Acts 16:19 (UKJV) And when her masters saw that the hope of their gains was gone, they caught Paul and Silas, and drew them into the marketplace unto the rulers,

17Palaging sinusundan ng babae si Pablo at kami habang sumisigaw ito ng, “Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos! Ipinangangaral nila sa inyo kung paano kayo maliligtas!”

18Araw-araw, iyon ang ginagawa niya hanggang sa tuluyang nainis si Pablo. Kaya hinarap niya ang babae at sinabi sa masamang espiritung sumasanib dito, “Sa pangalan ni Hesu-Kristo, inuutusan kitang lumabas sa kanya!” At agad naman itong iniwan ng masamang espiritu.

19Nang makita ng mga amo nito na nawalan sila ng pagkakakitaan, hinuli nila sina Pablo at Silas at kinaladkad sa plasa upang iharap sa mga opisyal ng lungsod.

20Sinabi nila sa mga opisyal, “Ang mga taong ito ay mga Hudyo at nanggugulo sa ating lungsod.

21Nagtuturo sila ng mga kaugaliang labag sa batas nating mga Romano. Hindi natin puwedeng sundin ang mga itinuturo nila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.