Mga Gawa 16

Gusto ni Pablo na isama si Timoteo, kaya tinuli niya ito para walang masabi ang mga Hudyo laban kay Timoteo, dahil ang lahat ng Hudyo na nakatira sa lugar na iyon ay nakakaalam na Griyego ang ama nito.

Acts 16:3 (UKJV) Him would Paul have to go forth with him; and took and circumcised him because of the Jews which were in those quarters: for they knew all that his father was a Greek.

1Nagpatuloy sina Pablo sa paglalakbay sa Derbe at Listra. May alagad si Hesus doon sa Listra na ang pangalan ay Timoteo. Ang kanyang ina ay Hudyo at mananampalataya rin, ngunit ang kanyang ama ay Griyego.

2Ayon sa mga kapatid doon sa Listra at sa Iconio, si Timoteo ay isang mabuting tao.

3Gusto ni Pablo na isama si Timoteo, kaya tinuli niya ito para walang masabi ang mga Hudyo laban kay Timoteo, dahil ang lahat ng Hudyo na nakatira sa lugar na iyon ay nakakaalam na Griyego ang ama nito.

4Pagkatapos, pumunta sila sa mga bayan at ipinaalam nila sa mga mananampalataya ang mga patakarang napagkasunduan ng mga apostol at ng mga pinuno ng iglesya sa Jerusalem. Sinabihan nila ang mga mananampalataya na sundin ang mga patakarang ito.

5Kaya lalong tumibay ang pananampalataya ng mga iglesya, at araw-araw ay nadadagdagan pa ang bilang nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.