Mga Gawa 16

Pagkatapos, pumunta sila sa mga bayan at ipinaalam nila sa mga mananampalataya ang mga patakarang napagkasunduan ng mga apostol at ng mga pinuno ng iglesya sa Jerusalem. Sinabihan nila ang mga mananampalataya na sundin ang mga patakarang ito.

Acts 16:4 (UKJV) And as they went through the cities, they delivered them the decrees in order to keep, that were ordained of the apostles and elders which were at Jerusalem.

2Ayon sa mga kapatid doon sa Listra at sa Iconio, si Timoteo ay isang mabuting tao.

3Gusto ni Pablo na isama si Timoteo, kaya tinuli niya ito para walang masabi ang mga Hudyo laban kay Timoteo, dahil ang lahat ng Hudyo na nakatira sa lugar na iyon ay nakakaalam na Griyego ang ama nito.

4Pagkatapos, pumunta sila sa mga bayan at ipinaalam nila sa mga mananampalataya ang mga patakarang napagkasunduan ng mga apostol at ng mga pinuno ng iglesya sa Jerusalem. Sinabihan nila ang mga mananampalataya na sundin ang mga patakarang ito.

5Kaya lalong tumibay ang pananampalataya ng mga iglesya, at araw-araw ay nadadagdagan pa ang bilang nila.

6Pumunta sina Pablo sa mga lugar na sakop ng Frigia at Galacia, dahil hindi sila pinahintulutan ng Banal na Espiritu na mangaral ng salita ng Diyos sa lalawigan ng Asia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.