Mga Gawa 16

Pagkatapos, isinama niya sina Pablo sa kanyang bahay at pinakain. Puno ng kagalakan ang guwardiya at ang kanyang buong pamilya na silaʼy sumampalataya na sa Diyos.

Acts 16:34 (UKJV) And when he had brought them into his house, he set food before them, and rejoiced, believing in God with all his house.

32At ipinangaral nina Pablo ang salita ng Panginoon sa kanya at sa lahat ng miyembro ng kanyang pamilya.

33Kahit malalim na ang gabi, isinama sila ng guwardiya at hinugasan ang mga sugat nila. Pagkatapos nito, agad siyang nagpabautismo kasama ang kanyang buong pamilya.

34Pagkatapos, isinama niya sina Pablo sa kanyang bahay at pinakain. Puno ng kagalakan ang guwardiya at ang kanyang buong pamilya na silaʼy sumampalataya na sa Diyos.

35Kinaumagahan, inutusan ng mga opisyal ang mga pulis na palayain na sina Pablo.

36At itoʼy ibinalita ng guwardiya kay Pablo. Sinabi niya, “Iniutos ng mga opisyal na palayain na kayo. Kaya maaari na kayong lumabas at umalis nang mapayapa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.