Mga Gawa 16

Kaya bumalik ang mga pulis sa mga opisyal at ipinaalam sa kanila ang sinabi ni Pablo. Nang malaman nilang mga Romano pala sina Pablo, natakot sila.

Acts 16:38 (UKJV) And the sergeants told these words unto the magistrates: and they feared, when they heard that they were Romans.

36At itoʼy ibinalita ng guwardiya kay Pablo. Sinabi niya, “Iniutos ng mga opisyal na palayain na kayo. Kaya maaari na kayong lumabas at umalis nang mapayapa.”

37Ngunit sinabi ni Pablo sa mga pulis na inutusan, “Ipinahagupit nila kami sa publiko at ipinabilanggo nang walang paglilitis, kahit na mga Romano kami. At ngayon gusto nilang palayain kami nang palihim. Hindi maaari! Sila mismong mga opisyal ang dapat pumunta rito at magpalaya sa amin.”

38Kaya bumalik ang mga pulis sa mga opisyal at ipinaalam sa kanila ang sinabi ni Pablo. Nang malaman nilang mga Romano pala sina Pablo, natakot sila.

39Kaya pumunta sa bilangguan ang mga opisyal at humingi ng paumanhin kina Pablo. Pagkatapos, pinalabas sila at pinakiusapang umalis na sa lungsod na iyon.

40Nang makalabas na sina Pablo at Silas sa bilangguan, pumunta sila agad sa bahay ni Lydia. Nakipagkita sila roon sa mga kapatiran, at pinalakas nila ang pananampalataya ng mga ito. Pagkatapos, umalis na sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.